Magkakaroon po ng dagdag-bawas sa presyo ng langis sa pagpasok ng Oktubre.
Rollback sa presyo ng gasolina ang sasalubong kung saan aabot sa ¢20 kada litro ang bawas sa presyo.
Ito ang unang rollback matapos ang anim na linggong sunod-sunod na paggalaw ng presyo.
Habang ang diesel at kerosene muling tataas ng hanggang ¢90 kada litro.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Oil Industry Management Bureau, nakakaapekto sa presyo ang banta ng estados unidos na magpataw ng taripa sa Europa lalo na kapag bumili ang mga ito ng langis mula Russia.
Kaya naman, magpakarga na po!



