Tiniyak ni Agriculture chief Francisco Tiu Laurel jr. sa mga mambabatas na makakarating sa lahat ng probinsya ang “benteng bigas program” ng Marcos Jr. administration bago matapos ang Oktubre.
Prayoridad ng programa ang mga minimum wage earner, mga tsuper at iba pa. Habang, tinututukan ang malawakang paglulunsad ng P20 na bigas sa buong bansa pagsapit ng 2026.



