DA: Presyo ng karneng baboy, mas mataas na sa presyo ng karneng baka | News Light

📅 June 20, 2025 02:44 PM PHT  |  ✏️ Updated June 20, 2025 03:41 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 Bantay Presyo, Latest News, News Light

Mas mahal pa sa presyo ng karneng baka ang presyo ng karneng baboy sa mga palengke sa Metro Manila.

Sa price monitoring ng Department of Agriculture sa ilang mga palengke, umaabot na sa ₱490 kada kilo ang liempo habang ₱480 lang ang kada kilo ng laman ng baka.

Ayon sa kagawaran, hindi pa dapat sumipa ang presyo ng baboy sa kabila ng epekto ng nakaraang taas-presyo ng langis. (Sarah Lagsac Arsenio)