Inatasan ng Department of Agriculture–Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang mga importer na magpaliwanag sa mabagal na pagpasok ng red onions kumpara sa yellow onions sa kabila ng nalalapit na peak ng holiday season.
Sa Metro Manila, umabot na sa ₱320 kada kilo ang presyuhan ng imported medium-sized red onions at ₱330 kada kilo para sa lokal na ani, kahit nasa humigit-kumulang ₱60 kada kilo lamang ang landed cost mula China.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nais nilang malaman kung gagamitin pa ng mga importer ang kanilang mga permit, at kung hindi ay ipagkakaloob ang mga ito sa ibang aplikante gaya ng Food Terminal Inc., batay sa datos.
ADVERTISEMENT
Samantala, malayo pa sa target ang import arrivals ng red onions, na nasa higit 12,000 MT lamang mula Setyembre, kumpara sa higit 21,000 MT na pagpasok ng white onions mula Agosto hanggang Nobyembre.
Sa ngayon, tinatayang nasa 17,000 MT ang buwanang demand para sa red onions at 4,000 MT para sa yellow onions.




