Palalawigin ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-angkat ng bigas hanggang katapusan ng 2025.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sapat ang supply ng bigas sa bansa na may buffer stock na aabot sa 85 araw dahil nakalalampas na sa 3.5 milyong metrikong tonelada ang na-import na bigas, higit na mas mataas ito sa target na 800,000 tonelada.
Matatandaang sinuspindi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng bigas noong Setyembre para protektahan ang mga magsasaka sa panahon ng ani.
ADVERTISEMENT
Plano naman ng DA na payagan muli ang importasyon sa Enero at muling itigil mula Pebrero hanggang Abril para sa harvest season.
Samantala, inaantabayanan ng ahensiya ang executive order mula sa Malacañang na magtatakda ng floor price sa palay na hindi bababa sa ₱17 pesos kada kilo.
Habang iginiit din ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang pagtaas ng taripa sa bigas sa 35 percent mula sa kasalukuyang 15 percent para maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.




