DA, nagbabala sa smuggled na sibuyas na posibleng kontaminado ng E.coli | News Light

📅 June 26, 2025 02:38 PM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 02:38 PM PHT
👤 Carlene Latuna  |  📂 News Light, Latest News

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa pagbili ng mga smuggled na imported na sibuyas sa mga pamilihan matapos magpositibo sa E. coli ang mga smuggled na imported na sibuyas mula sa Paco Public Market sa Manila.

Giit ni Agriculture Secretary Francisco Laurel Tiu Jr., malinaw na isyu ito sa food safety at banta sa pampublikong kalusugan.

Ayon kay Bureau of Plant Industry Director Gerald Glenn Panganiban, nakitaan ng posibleng fecal contamination ang resulta ng mga pagsusuri sa sibuyas.

Upang makaiwas dito, pinaalala ng DA na karaniwang mas malalaki at malinis ang mga imported na sibuyas kumpara sa mga lokal na ani.

Ipinag-utos na rin ng kagawaran ang kumpiskasyon ng mga nasabat na sibuyas at humingi na ng tulong sa kapulisan para mahuli ang mga smuggler nito.