DA: Minimum wage earner, makabibili na rin ng ₱20/kilo na bigas simula sa susunod na buwan

📅 May 28, 2025 01:07 PM PHT  |  ✏️ Updated May 28, 2025 01:07 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 Bantay Presyo, Latest News, News Light

Makabibili na rin ng ₱20 kada kilo na bigas ang mga minimum wage earner simula sa susunod na buwan.

Ayon sa Department of Agriculture, limitado muna sa ngayon ang murang bigas para sa mga vulnerable sectors gaya ng senior citizens, solo parents, PWD, at mga miyembro ng 4Ps.

Tiniyak naman ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na sapat ang isang milyong sako ng bigas ng NFA na inilaan sa bentahan ng murang bigas sa mga Kadiwa stores.