Sasampahan ng kaso ng Department of Agriculture ang kompanyang nagpuslit ng dalawang milyong pisong halaga ng pulang sibuyas na nasabat sa Mindanao International Container Terminal sa Misamis Oriental.
Ayon sa DA, idineklarang naglalaman ng frozen noodles, dough, at spring rolls ang naturang shipment. ngunit natuklasang naglalaman ito ng 25 metriko tonelada ng sariwang sibuyas mula china.
Kinilala ang consignee na lantix consumer goods trading na nakabase sa Binondo, Maynila.
Giit ni Agriculture Secretary Kiko Laurel, walang inilabas na import permit ang ahensiya para sa nasabing shipment.
Tiniyak naman ni laurel na isasailalim ito sa bagong Anti-agricultural Economic Sabotage Act na may mabigat na parusa kabilang ang multang milyon-milyon piso at mas pinahabang pagkakakulong para sa smugglers.
Samantala nagbabala si Laurel sa mga konsyumer na mag-ingat sa pagbili ng imported na sibuyas sa public market sa maynila matapos magpositibo sa E-coli ang ilan sa mga ito.