DA, iginiit ang reporma sa Rice Tariffication Law para protektahan ang mga magsasaka at konsyumer | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Binigyang-diin ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules ang pangangailangan ng reporma sa Rice Tariffication Law (RTL) upang mas maprotektahan ang mga Pilipinong magsasaka at konsyumer.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, iniharap ng ahensya ang kanilang mga mungkahing amyenda kabilang ang pagbabalik ng kapangyarihan ng National Food Authority para sa “calibrated” market interventions at modernisasyon nito.

Kabilang din sa panukala ang integrasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund sa National Rice Program upang mapanatili ang balanse ng kapakanan ng konsyumer at proteksyon sa mga magsasaka, gayundin ang pagbibigay ng insentibo sa buong rice value chain.

Pinatatag din ang extension support system para mapabilis ang pagpaparehistro at pagbibigay ng serbisyo sa mga magsasaka.

ADVERTISEMENT