
Bumaba ng 60% ang crime rate sa Metro Manila noong Semana Santa.
Sa datos ng NCRPO, lumalabas na bumaba ng 60.18% ang crime rate sa Metro Manila noong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.
Nasa 45 na insidente lang mula sa walong focus crimes ang naiulat sa Metro Manila.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 113 na insidente noong 2024 sa parehong panahon.
Kabilang sa walong focus crime ang murder, rape, homicide, physical injuries, robbery, theft, carnapping of motor vehicles, at carnapping motorcycles.
Samantala, tumaas naman ang case solution efficiency ng NCRPO sa 88.89% na tumutukoy sa mga nareresolbang kaso sa Metro Manila.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 73.45% noong 2024.