Kung pagmamasdan, parang ayaw mo nang kainin.
Ganyan ang mararamdaman mo kapag nakita mo ang trending ngayon na mga creative graham cake online!
Si Richard Miguel ay trending sa kanyang graham cake na may mapang hugis ng Pilipinas.
Takaw-pansin din ang luxurious na disenyo na in-upload ni Xavier Yanoria na animo’y galing sa Louis Vuitton.
“Floor flan graham cake” naman ang atake ni Mariel Ellao sa kanyang entry.
ADVERTISEMENT
At mala-3D gingerbread house naman ang gawa ni Maika Talla.
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa creativity ng mga gumawa.
Ani pa ng ilan, nahiya raw sila sa sarili nilang mga graham cake dahil sa husay ng iba.



