‘Convict Sara now’: mga progresibong grupo, nananawagang litisin si VPSD sa isinagawang independence day protest sa EDSA

📅 June 13, 2025 11:41 AM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 11:41 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Lifestyle

Convict Sara now — ‘yan naman ang sigaw ng ilang progresibong grupo na nagsagawa ng pagkilos ngayong araw ng kalayaan sa EDSA People Power monument.

Binabatikos ng mga grupo ang desisyon ng senado na ibalik ang articles of impeachment sa kamara nitong linggo.

Kaya muli silang nanawagan na dapat litisin at panagutin si VP Sara Duterte na nahaharap sa alegasyon ng korapsyon sa kaugnay ng kanyang confidential funds.