Samantala, tila naging agaw-eksena naman sa gitna ng palitan ng liderato sa Kamara ang kontrobersyal na kongresista ng Cavite na si Kiko Barzaga.
Una nang nabigyan ng mala saling-pusang treatment ang baguhang mambabatas nang hindi ito payagang makapasok sa Opisina ng House Speaker para sana kausapin noon si Resigning Speaker Martin Romualdez.
Naging moment din ang maikli niyang pag-anunsyo ng kanyang boto para sa speakership nitong hapon.
Una nang hinamon ni Barzaga si Romualdez na siya anya ang papalit bilang susunod na speaker.
ADVERTISEMENT
Ilang kongresista naman ang desidido pa rin na ireklamo sa Ethics Committee si Barzaga bunsod anila ng hindi katanggap-tanggap na mga asal nito.



