Ipinagpaliban ng International Criminal Court ang confirmation hearing ng crimes against humanity charges kontra kay dating Pang. Rodrigo Roa Duterte dalawang linggo bago ang nakatakdang petsa nito sa September 23.
Kinatigan ng mayorya ng ICC pre trial chamber one ang hiling ng kampo ni Duterte na ipostpone ang pagdinig dahil wala umanong kakayahan ang dating pangulo na tumayo harap ng pagdinig.
Tanging si Judge Maria Del Socorro Flore Liera ang hindi pumanig sa hiling.
Posible namang ianunsyo kung kailan marereset ang araw ng pagdinig oras na matugunan na ang ilan pang isyu.
ADVERTISEMENT
Layon ng confirmation of charges hearing na tukuyin kung may sapat na ebidensya upang ipagpatuloy sa official trial ang ICC case.



