Computer shop sa San Mateo, ninakawan ng customer

📅 June 4, 2025 02:45 PM PHT  |  ✏️ Updated June 4, 2025 02:45 PM PHT
👤 Maricon Rodriguez  |  📂 DZJV Radyo CALABARZON, Rizal
Photo Courtesy: Jovy Dumagin

Nahuli sa akto sa pamamagitan ng hidden camera ang isang 45-anyos na lalaki na nagnakaw ng computer parts sa isang shop sa Barangay Maly, San Mateo, Rizal.

Sa CCTV footage, makikitang nagco-computer ang suspek bago ito tumingin-tingin sa paligid, tumungtong sa upuan, at kinuha ang isang computer part na agad niyang isinilid sa kanyang bag bago mabilis na umalis.

Ayon kay Jovy Dumagin, may-ari ng shop, matagal na nilang pinaghihinalaan ang lalaki sa pagkawala ng ilang kagamitan gaya ng AVR at motherboard. 

Kwento niya, Palaging may dalang bag ang suspek at pinapaalis ang ibang customer. Kaya’t nag-install ng hidden camera ang anak nito at doon na nila napatunayan ang ginagawang pagnanakaw ng suspek. 

Samantala, inaasahang magsasampa ng reklamo ang pamilya laban sa suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.