Communications Usec. Claire Castro, itinangging siya ang posibleng italagang bagong DoJ chief

📅  |  ✏️ Updated

Mariing itinanggi ni Communications Usec. Claire Castro na siya ang papalit na kalihim ng Justice department.

Ayon kay Castro wala pang desisyon si Pang. Marcos kung sino ang bagong kalihim.

Wala pa rin daw detalye o shortlist mula sa Malacañang.

Pero wala namang sagot si Castro sa tanong kung tatanggapin niya ang posisyon kung sakali.

Habang pinabulaanan din ni Castro ang spekulasyon na uunahin ni Ombudsman boying Remulla ang mga kaso laban kay Vice Pres. Sara Duterte.

ADVERTISEMENT

Papalit si Remulla kay retired Ombudsman Samuel Martires.

Habang itinalaga naman si Justice Usec. Fredderick Vida bilang OIC kapag pormal nang bakante ang puwesto.