Comelec, planong gamitin ang Coast Guard sa BARMM parliamentary elections | News Light

📅

Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na gamitin ang Philippine Coast Guard para tumulong sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections sa Oktubre 13.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, posibleng magsilbi ang ilang libong PCG personnel bilang bahagi ng electoral board kung sakaling may mga guro na hindi makakapaglingkod.

Dagdag pa niya, hindi na muna hihingi ng tulong ang Comelec sa Philippine National Police upang makapagpokus ang mga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

Tinatayang aabot sa 9,000 electoral board members ang kakailanganin para sa halalan, na katumbas ng bilang ng mahigit 3,000 presinto.

ADVERTISEMENT