
Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang sending ng mga opisyal na balota sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa May 12 elections.
Galing sa Sta. Rosa, Laguna ang mga naka-seal na ballots at inilagay na sa mga container van para i-deploy.
Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, tiyak na tugma ang mga balota sa bilang ng botante sa bawat presinto at hindi tatanggapin ng vote counting machine ang balotang hindi naka-assign sa presinto.
Inaasahang maihahatid na ang mga balota at indelible ink sa mga tanggapan ng treasurer sa bawat lungsod at bayan sa BARMM sa May 1.
ADVERTISEMENT



