COMELEC, maglalabas ng show cause order laban sa contractor na umamin ng P30 million donasyon kay Sen. Escudero

📅

Maglalabas ng show cause order ang COMELEC laban sa pangulo ng Centerways Construction na si Lawrence Lubiano matapos nitong umamin na nagbigay siya ng P30 milyong donasyon sa kampanya ni Sen. Chiz Escudero noong 2022.

Ayon kay COMELEC chair George Erwin Garcia labag sa omnibus election code ang donasyon ng mga government contractors.

Iniimbestigahan din ng COMELEC ang humigit sa limampung kontratista na nagbigay ng pondo sa 26 na kandidato kabilang ang pitong national candidates, 15 political parties, at ilang lokal na opisyal.

Kasunod ng sagot ni Lubiano, bibigyan naman ng pagkakataon ng COMELEC na magpaliwanag si Escudero hinggil sa isyu.

ADVERTISEMENT

Humingi na rin ng certification ang COMELEC sa DPWH para tukuyin kung ang mga construction firm ay tunay na government contractors.

Babala naman ng COMELEC, posibleng makasuhan ng election offense ang sinumang mapapatunayang lumabag kabilang ang parusang hanggang anim na taong pagkakakulong.