COMELEC, iprinoklama na ang 3 partidong pumalit sa nabakanteng congressional sits ng Duterte youth

📅  |  ✏️ Updated

Iprinoklama na ng Commission on Elections ngayong Huwebes, October 2 ang tatlong partido na pumalit sa nabakanteng congressional seats ng kontrobersiyal na Duterte Youth Partylist.

Kabilang dito ang first nominee ng Abono Party-list na si Robert Raymund Estrella, Alfred Co delos Santos ng Ang Probinsyano Party-list at Artur Yap ng Murang Kuryente.

Ginawa ng komisyon ang proklamasyon matapos isapinal ang diskwalipikasyon sa kanselasyon ng registration ng Duterte Youth dahil sa mga isyu ng accreditation nito.

Nakakuha ng mahigit 254,000 nitong May polls ang Abono Partylist kasunod ng Gabriela Party-list habang mahigit 2,050 naman ang botong natanggap ng Ang Probinsyano at mahigit 247,000 na boto naman ang nakuha ng Murang Kuryente.

ADVERTISEMENT

Ayon kay COMELEC chairman George Erwin Garcia, pinagbasehan ng komisyon ang mga nakaraan nang kaso sa pagpili ng ipo-proklama gaya ng sa An-waray VS COMELEC na imbes na magdagdag mula mga unang nanalo na kinonsidera ang iba pang nakakuha ng mataas na porsyento ng boto.