Iginiit ni COMELEC Chair George Garcia na kailangang gumawa ng batas ang kongreso para hindi na maulit ang kaso ni Alice Guo.
Aniya, “wake-up call” ang pagkakabisto na isa palang chinese national ang nahalal na alkalde ng Bamban, Tarlac.
Paliwanag ni Garcia, ministerial lamang ang tungkulin ng COMELEC sa pagtanggap ng COC maliban na lang kung may maghain ng disqualification case.
Sa kaso ni Guo, walang nagkuwestyon sa kanyang pagkaka-pilipino hanggang sa nakaupo na ito sa puwesto.
Giit pa ni Garcia, dapat may batas na magpapayag sa COMELEC, na humingi ng mga dokumento tulad ng birth certificate at maghain ng kaso laban sa mga pekeng kandidato kahit walang nagrereklamo.