Iginiit ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia na kailangang gumawa ng batas ang Kongreso upang hindi na maulit ang kaso ni Alice Guo.
Aniya, isang “wake-up call” ang pagkakabisto na isa palang Chinese national ang nahalal na alkalde ng Bamban, Tarlac.
Paliwanag ni Garcia, ministeryal lamang ang tungkulin ng Comelec sa pagtanggap ng certificate of candidacy (COC), maliban na lang kung may maghain ng disqualification case.
Sa kaso ni Guo, walang nagkuwestyon sa kanyang pagkapilipino hanggang sa maupo na siya sa puwesto.
ADVERTISEMENT
Giit pa ni Garcia, dapat may batas na magpapahintulot sa Comelec na humingi ng mga dokumento tulad ng birth certificate at maghain ng kaso laban sa mga pekeng kandidato kahit walang naghahain ng reklamo.



