COMELEC, hindi haharangin ang pagpapatupad ng ₱20/kilo rice program

📅

Hindi haharangin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng ₱20/kilo na bigas ngayong eleksyon.

Pero umaasa ang ahensya na tutuparin ng Department of Agriculture ang mga kondisyon na inilatag para hindi magamit sa pamumulitika ang rice program.

Dahil dito, ipinagbabawal ang pagsasama ng mga pulitiko kapag ibinenta na ang bigas.

Dapat ding gawin ang pagbebenta sa mga pampublikong lugar at hindi pagbawalan ang media, stakeholders at civil society na masaksihan ang bentahan nito.

Comelec, pinayagan ang pamamahagi ng mga botante ng sample ballot para sa 2025 elections

Pinayagan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng mga botante ng mga sample ballot para sa 2025 elections.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Comelec, basta ay hindi dapat gamitin ng mga botante sa mga balota ang mismong official seal o logo ng poll body.

Nilinaw naman ng Comelec na hindi maaaring magamit ang mga sample ballot sa mismong botohan dahil hindi ito tatanggapin ng vote counting machine.

Nagbabala naman ang Comelec na mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi nito isang araw bago ang eleksyon maging sa mismong araw sa May 12.