Comelec, handa para sa BSKE sa kabila ng inaasahang suspensyon; 2.7 milyon, nagparehistro | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nakapaghanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), masuspinde man o hindi ang halalan sa Disyembre, ayon kay spokesperson Atty. John Rex Laudiangco.

Ayon sa panayam ng tagapagsalita sa Bangon na Pilipinas, inaasahan umano ang pag-akyat ng usapin sa Korte Suprema kung maisasabatas ang pagpapaliban.

Aniya, posible rin ang paghahain ng temporary restraining order laban sa pagpapadelay ng BSKE sa isang taon.

Samantala, 2.7 milyon ang naitalang bilang ng mga bagong botante sa katatapos lamang na voters registration na ginanap mula noong unang araw hanggang ika-10 ng Agosto, ayon sa Comelec.

ADVERTISEMENT

Naniniwala ang ahensya na ang mataas na youth turnout sa naganap na rehistrasyon ay patunay na “buhay” ang demokrasya sa bansa.

Sa kabilang banda, patuloy naman ang paghahanda ng komisyon para sa Bangsamoro Parliamentary Elections ngayong darating na Oktubre. (Kent Bicol/ News Light)