Comedian host Jimmy Kimmel, balik U.S. TV matapos suspindihin ng Disney/ABC dahil sa patutsada kay Trump

📅  |  ✏️ Updated

Magbabalik telebisyon sa Amerika ang U.S. comedian na si Jimmy Kimmel, matapos kansalehin ng Disney ang kanyang late night talk show dahil sa patutsada kay U.S. Pres. Donald Trump.

Nag ugat ang isyu sa satirika ni Kimmel, ukol sa reaksyon ni Trump sa naging assassination sa kontrobersyal na influencer na si Charlie Kirk.

Sa joke ni Kimmel, sinabi niyang tunay na nasasaktan si Trump sa nangyari saka niya ipinakita ang video ni Trump na saglit nalungkot tungkol kay Kirk.

Pero agad ring nagkwento ukol sa pinapagawang ball room sa white house, libu libong American fans at kapwa artist ang nagkundena sa pagkansela ng show ni Kimmel. Dahilan para ibalik siya sa ere ng U.S. Broadcast company.

ADVERTISEMENT

Una nang sinabi ni Trump,  na dapat anya tanggalan ng lisensya ang mga TV network na may negatibong kritisismo sa Pangulo.