Coast Guard Spokesman CMDRE. Jay Tarriela, naghain ng cyber libel case VS vlogger Sass Rogando Sasot

📅 July 7, 2025 12:36 PM PHT  |  ✏️ Updated July 7, 2025 12:38 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Nagsampa ng Cyber libel complaint si Commodore Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard laban kay social media personality Sass Rogando Sasot.

Iginiit ni Tarriela na paninira ang mga posts ni sasot sa Facebook at X mula july hanggang October 2024 kabilang ang alegasyon na tumanggap siya ng apat na milyong dolyar mula sa U.S. kasali sa “project Atlantis,” at binigyan ng black bags ni speaker Romualdez.

Itinanggi ni Tarriela ang mga paratang at sinabing lumampas na ang kalayaan sa pananalita ni Sassot dahil sa malisyosong impormasyon kaya nararapat lang na managot ang vlogger sa batas.

Humihiling si Tarriela ng 1 point 25 milyong halaga ng danyos kay Sassot habang hinikayat ang mga netizens na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon.