Sa report ng Commission on Audit (COA) taong 2024 din, napag-alamang milyon-milyong halaga ng gamot at medical supplies ang paluma at expired na dahil sa kawalan ng maayos na pagha-handle ng mga ito. Ilan lamang ito sa mga isiniwalat ng COA sa mga diumano’y kakulangan ng Department of Health (DOH).
Isiniwalat ng COA ang mahigit ₱134.3 milyong halaga ng expired at mae-expire nang mga medical supplies ng Department of Health o DOH.
Sa 2024 audit report ng COA, natagpuang expired ang ₱34.8 million at ₱99.5 million na mae-expire pa lamang na mga gamot, medisina at iba pang inventory dahil sa pagkukulang sa inventory management system. Damay pati ang procurement planning, pamamahagi at pagmo-monitor ng mga nabanggit na imbentaryo.
Overstocking umano ang dahilan ng pagkaluma ng mga supply kaya hindi ito naihatid sa mga health program at low-income communities—gaya sa Eastern Visayas Center for Health Development na may ₱19 milyong pisong expired items at ₱18 milyong paluma pa lamang—pinakamalaking record sa nasayang na supplies.
ADVERTISEMENT
Bukod pa dito ang ₱99.5 million na hindi nagamit at naipamigay na medical inventories, siya namang paglabag sa Section 2 ng Presidential Decree 1445 na inoobliga ang mga ahensiyang ingatan ang resources ng pamahalaan.
Ayon sa COA, ipinakita nito ang kapabayaan ng ahensiya sa pangangalaga, pagma-manage at matinong paggamit ng pondong pangkalusugan. (Denniel Salayo/News Light)



