Magsisimula na ang konstruksyon ng connector path na maguugnay sa clark airport at sa itinatayong north-south commuter railway.
Inihayag ng private operator ng Clark Airport na lipad na inaasahang matatapos sa susunod na taon. Ang tinatayang 300-meter walkway na de-aircon.
Ibig sabihin kapag nayari na ang railway mula Clark Airport ay kumportableng makapaglalakad ang mga pasahero patungo sa tren.
Na pwedeng sakyan papunta ng maynila o kaya naman hanggang Laguna. Tiniyak naman ng lipad na popondohan nila ang proyekto, at wala itong magiging gastos sa gobyerno.
ADVERTISEMENT



