Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang publiko laban sa kumakalat na deepfake video na nagpapakitang umano na nag-eendorso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang online trading platform.
Ipinost ang video ng FB page na ‘Inquirer PH Insider’ na dating ‘Deborah Webb’ at pinamamahalaan sa ibang bansa.
Ayon sa CICC, AI generated ang video, at nilikha para magmukhang totoong ginagamit ng pangulo ang online platform.
Hiniling na ng CICC sa social media platforms, na tanggalin na ang video at mga kaugnay nitong post.
Pinaalalahanan din ang publiko na maging mapanuri sa mga advertisement na gumagamit ng mga opisyal ng gobyerno at sobrang pangako sa mga ineendorso at mensahe nito.
Samantala, gagawa ng national deepfake task force ang pco kasama ang CICC, DICT, NBI at iba pang ahensya para tutukan ang disinformation sa bansa.