CICC at ScamWatch, nagbabala sa top 12 holiday scams | News Light

📅 November 18, 2025 2:21 PM PHT

Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at ScamWatch Pilipinas sa publiko laban sa labindalawang pangunahing uri ng scam ngayong Kapaskuhan.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni CICC Acting Executive Director Usec. Aboy Paraiso na layunin ng Holiday Watch PH 2025 na protektahan at bigyan ng tamang kaalaman ang mga Pilipino laban sa mga online na panlolooko.

Ayon sa kanya, mas nagiging agresibo ang mga scammer tuwing holiday season, kaya kailangang maging mas maingat ang publiko sa online shopping, fake delivery, phishing calls, investment, love, loan, impersonation, charity, at iba pang uri ng scam.

ADVERTISEMENT

Binigyang-diin din ni ScamWatch co-founder Jocel De Guzman ang tagumpay ng kampanya na nakabatay sa Anti-Scam Quad Model at nakatulong sa pagbaba ng text scams at pagtaas ng public reporting.

Hinimok naman ng dalawang grupo ang publiko na maging maingat, magduda, umiwas sa kahina-hinalang mensahe, at magsumbong sa National Anti-Scam Hotline 1326 o sa eReport ng eGovPH app.