CIBAC Party-list, nagbabala tungkol sa fake Facebook accounts na nag-aalok ng libreng load

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค Jomar Villanueva  |  ๐Ÿ“‚ News Light, Latest News

Binalaan ng CIBAC Party-list ang publiko na mag-ingat sa mga fake Facebook accounts na nagpapanggap bilang CIBAC Party-list.

Hinihingi umano ng mga ito ang contact information ng mga biktima kapalit ng libreng load.

Paalala ng CIBAC, wala silang kaugnayan sa mga naturang pekeng accounts.

Hinimok din ng party-list ang publiko na i-report ang makikitang fake accounts na naglipana habang papalapit ang 2025 midterm elections.