Mommies at daddies, naghahanap ba kayo ng pelikula na puno ng aral para sa inyong mga chikiting?
Abangan niyo na sa Oktubre ang pelikulang Light of the World na magpapakita ng buhay ni Hesus habang siya ay nasa mundo, sa mata ng kanyang nakababatang kaibigan na si John.
Hatid ng SalvationPoem Project ang pelikula na kasalukuyan nang ipinapalabas sa United States at ipalalabas sa iba pang bansa ngayong buwan.
Makikita sa pelikula ang mga himalang ginawa ni Hesus, ang paglapit niya sa sanlibutan, at ang pagkakapako niya sa krus para sa ating kaligtasan.
ADVERTISEMENT
Kaya ’wag nang palampasin ang hindi lang pambata kundi pangpamilyang pelikula.



