CHR, suportado ang panawagang pagbabalik ng Pilipinas sa ICC | News Light

📅 June 23, 2025 01:26 PM PHT  |  ✏️ Updated June 23, 2025 02:52 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light, Featured, Latest News

Suportado ng Commission on Human Rights ang panawagan ni UN Special Rapporteur Irene Khan na ibalik ang Pilipinas bilang bahagi ng International Criminal Court (ICC).

Sang-ayon din ang CHR sa pagratipika ng International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance.

Kasunod ito ng ulat ni Khan sa UN Human Rights Council kung saan ibinahagi niya ang sitwasyon ng freedom of expression sa Pilipinas matapos niyang bumisita noong Enero 2024.

Samantala, ayon kay Human Rights Watch senior researcher Carlos Conde, dapat manindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at gumawa ng hakbang matapos maghayag ng pagiging bukas sa muling pag-anib sa ICC.