Mariing ipinrotesta ng gobyerno ang planong paggawa ng nature preserve ng China sa 3,500 ektaryang isla na Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Tinawag na ilehitimo at labag sa batas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang planong ito ng China, at sinabing irespeto ng China ang soberanya at jurisdiction ng bansa sa teritoryo, pati ang sumunod ito sa international law.
Iginiit ng ahensya na may exclusive authority ang Pilipinas para magsagawa ng environmental protection sa sakop nitong teritoryo at relevant maritime zones.
Sa pahayag naman ng Foreign Ministry ng China kahapon, binanggit nitong hindi daw kailanman naging parte ng Pilipinas ang lugar, at walang basehan ang protestang isinasagawa nito. Hinimok din nitong tigilan ng bansa ang provocation para hindi na maging komplikado pa ang sitwasyon sa rehiyon. (Denniel Salayo/ News Light)
ADVERTISEMENT



