China, tutol sa anumang kasunduan kapalit ng tariff relief na makakaapekto sa interes ng kanilang bansa | News Light

📅 June 30, 2025 12:13 PM PHT  |  ✏️ Updated June 30, 2025 12:13 PM PHT
👤 Dawn Pamulaya  |  📂 Balitang Abroad, Latest News, News Light

Ipinahayag ng China ang matinding pagtutol sa anumang kasunduan na maaaring mapagkasunduan kapalit ng tinatawag na tariff relief na makaaapekto sa interes ng bansa.

Ang pahayag ay kasunod ng sinabi ni U.S. President Donald Trump nitong Biyernes na kaya ng Washington na “gawin ang anumang gusto nito” kaugnay ng orihinal na deadline para sa 90-araw na palugit sa US tariffs na matatapos sa Hulyo 9.

Ayon sa China, simula noong Abril ay ipinataw ng Amerika ang tinatawag na reciprocal tariffs laban sa mga trading partners nito, na itinuturing ng Beijing bilang unilateral bullying na sumisira sa multilateral trading system.

china