China, pinatawan ng parusa si Tolentino sa mga isyu sa West Philippine Sea

📅 July 2, 2025 11:57 AM PHT  |  ✏️ Updated July 2, 2025 11:57 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News, Sa atin ang West Philippine Sea

Pinatawan ng parusa ng China si dating senador Francis Tolentino dahil sa anila’y “labis na pag-uugali” ng dating senador sa mga isyung kaugnay ang China.

Idineklara ng Chinese Foreign Ministry na bawal na ang pagpasok ni Tolentino sa Mainland China, Hong Kong at Macau.

Sa pahayag ng China, kabilang siya sa ilang pulitiko na gumagawa umano ng mapanirang mga pahayag at hakbang kontra sa relasyon ng dalawang bansa.

Kilala si Gatchalian na kritiko ng mga gawi ng China sa West Philippine Sea kabilang na ang panggugulo sa mga mangingisdang Pilipino at umano’y page-espiya sa Pilipinas.

Si Tolentino rin ang may-akda ng Philippine Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act na layong palakasin ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Pero para kay Tolentino, isang karangalan ang parusang ito.