Lumampas na ang China sa hangganan ng diplomasya.
Iyan ang pananaw ng Filipinos Do Not Yield Movement sa mga tirada ng Chinese Embassy laban kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela dahil sa pagtatanggol nito sa soberanya ng bansa.
Giit ng grupo, walang puwang ang pananakot at tangkang pagsupil sa bansa, kaya’t hindi uurong ang Pilipinas sa katotohanang sang-ayon sa international law.
Samantala, tumaas ang presensiya ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc noong nakaraang taon.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Tarriela, bukod sa pagpasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, nakalapit na rin umano nang hanggang 23 nautical miles sa Dasol, Pangasinan ang mga barko ng China noong Abril 2025, dahilan upang mapilitang umalis ang mga mangingisda sa kanilang traditional fishing grounds.



