China Coast Guard, binomba ng tubig ang 2 barko ng BFAR sa West PH Sea

๐Ÿ“… May 23, 2025 01:32 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 23, 2025 01:32 PM PHT
๐Ÿ‘ค Carlene Latuna  |  ๐Ÿ“‚ Latest News, News Light, West Philippine Sea
Pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard sa barko ng BFAR, May 21, 2025. Screengrab from Jay Tarriela/X

Binomba ng tubig at ginitgit ng isang China Coast Guard vessel ang dalawang barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea noong Miyerkules ng umaga.

Nakaranas ng panghaharass ang dalawang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na malapit sa Pag-asa Islands.

Sa video ng Philippine Coast Guard, makikita ang paglapit ng CCG vessel at ang pagbomba nito ng water cannon sa BRP Datu Sanday.

Ang barkong ito at ang BRP Datu Pagbuaya ay may lulan na mga scientist na nasa routine mission upang mangolekta ng sand samples sa Sandy Cay.

Ayon sa BFAR, ito ang kauna-unahang pagkakataon na binomba ng water cannon ang kanilang research vessels.

Kinundena naman ng embahada ng mga ibang bansa gaya ng U.S., Taiwan, UK, at Japan ang ginawa ng China Coast Guard sa mga barko ng BFAR.

Anila, respetuhin ang international law at ang 2016 Arbitral Ruling.