Good vibes ang hatid ng isang chikiting mula sa Jesus Is Lord Church – Modesta sa San Mateo, Rizal.
Ipinamalas kasi ng 3-taong gulang na bata na si Ehlaija Levi Gonzales, o mas kilala bilang Eli, ang kanyang talento sa kanyang cute na cute na pagsayaw.
Ayon sa kwento ng kanyaqdefrng mommy na si Ferna, may practice noon sa kanilang lokal na simbahan para sa paparating na anibersaryo ng JIL Modesta.
Lagi raw nakiki-join ang chikiting tuwing may practice, lalo na kapag JIL songs ang pinatutugtog o inaawit.
Bukod sa pagsayaw, nagpakita na rin ng husay ang bata sa paggamit ng drums.
Patunay si Eli na talagang, “Train up a child in the way he should go, and when he is old, he will not depart from it.”
Samantala, gaganapin ang anibersaryo ng JIL Modesta sa August 17, araw ng Linggo.