Chief Presd’l Legal Counsel Juan Ponce Enrile, nasa ICU dahil sa pneumonia, ayon sa kanyang anak | News Light

📅 November 12, 2025 12:47 PM PHT

Kasalukuyang nasa intensive care unit ng isang ospital si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile dahil sa sakit ng pneumonia, kinumpirma ng kanyang anak na si Katrina Ponce Enrile.

Si Sen. Jinggoy Estrada ang unang nagbahagi ng balita sa Senate floor nitong Martes kung saan ibinunyag niyang maselan at delikado umano ang lagay ng dating mambabatas.

Si Enrile ay nagsilbi bilang dating Justice Secretary at National Defense Minister sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa panahong iyon, naging mahalaga ang kanyang papel sa implementasyon ng Martial Law, pero kalaunan ay bumaligtad rin siya sa rehimen ni Marcos na isa sa naging hudyat ng EDSA People Power Revolution.

ADVERTISEMENT

Matapos mapatalsik si Marcos sa puwesto, matagalan nagsilbi si Enrile sa mataas na kapulungan kung saan nahalal siya bilang Senate President.

Bukod naman sa isyu sa Martial Law, naharap din at kamakailan ay napawalang-sala si Enrile sa akusasyon ng graft at plunder kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Bagamat malapit nang mag-102 years old si Enrile, nagsisilbi pa rin siya sa gobyerno sa ilalim naman ng administrasyon ni Marcos Jr.