Pinatawan ng office of the Ombudsman ng 30 thousand pesos na multa si outgoing Cebu governor gwendolyn garcia dahil sa paglabag sa kanyang preventive suspension.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, hindi nirespeteo ni Garcia ang suspension order na ipinatupad noong Abril dahil sa mga kasong grave abuse of authority, gross misconduct at serious dishonesty.
Gayunpaman, iginiit ni Garcia na may temporary restraining order
na inilabas ang court of appeals laban sa suspension.
Kinwestiyon din niya ang Ombudsman, kung bakit iginigiit pa ang contempt sa kabila ng tro.
Nag-ugat ang kaso sa pagpapahintulot ni Garcia ng special quarry permit sa mananga river nang walang environmental clearance mula sa denr.
Depensa niya, desilting ang prosesong ito para maiwasan ang water shortage sa gitna ng el niño.
Habang iginiit ni Garcia na may politikal na motibo ang kaso at may gustong magpatalsik sa kanya.
Sa kabila ng suspension at multa nanatili si Garcia sa pwesto hanggang matapos ang kanyang termino at inaantay ang sagot ng DILG.