
Nanawagan si Bishop Gerardo Alminaza, vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace, na huwag lamang pasalamatan kundi pangalagaan din ng mga Pilipino ang kabundukang Sierra Madre.
Ayon sa kanya, malaking utang ng bansa sa Sierra Madre ang pagprotekta nito sa Luzon laban sa malalakas na bagyo gaya ni super typhoon Uwan.
Binanggit din ng obispo na nasisira na ang Sierra Madre dahil sa quarrying, illegal logging, at iba pang mapanirang proyekto.
ADVERTISEMENT
Ayon sa PAGASA, humina si Uwan matapos tamaan ang mga kabundukan ng Luzon, kabilang ang Sierra Madre, na muling napatunayang “pader” ng bansa laban sa matitinding bagyo.




