Advertisement

Tutukan ang LIVE UPDATES ng SONA 2026 ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Read Full Story →





Iginiit ni Romualdez, kailaman hindi umano siya humingi ng panor o espesyal na pagtrato sa pangulo.
Handa rin siyang sumunod sa proseso at harapin ang anumang kaso. | #NewsLight



Susubukan umano ng administrasyon ang pagpapalawak ng programa at isasama na ang iba’t ibang blood tests at gamot upang maiwasan ang mga naturang sakit na kadalasan ay sakit sa bato, atay, thyroid at iba pa. | #NewsLight

Dahil aniya marami nang ospital ang pinadali ang proseso. | #NewsLight






Ito ay tugon sa tumataas na singil ng kuryente ng mga konsyumer. | #NewsLight


Hinikayat ng Pangulo ang pag-update sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000; at pagdagdag umano ng modern waste management practices tulad ng waste-to-energy at waste treatment technology.
Pinasalamatan ng Pangulo ang kasipagan ng MMDA sa paglilinis ng mga estero sa Metro Manila, at nakatulong umano ang “Cash-for-work” program ng gobyerno sa paglilinis ng 12,000 estero sa buong bansa. | #NewsLight



Sa susunod na taon rin bubuksan ang MRT-7, ayon sa Pangulo. | #NewsLight


Hindi lamang aniya ang mga bangko ang gumawa nito maging ang Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), at National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC).
Dagdag pa ng Pangulo sa kanyang SONA, hinikayat din ng administrasyon ang bawas-singil sa mga online transaction fees ng mga bangko at E-wallet. | #NewsLight


Matatandaang nagsimula ang diskwento sa pamasahe sa MRT at iba pang pampublikong transportasyon dahil pa rin sa pagtaas ng petrolyo. | #NewsLight


Matatandaang inanunsyo ng Pangulo ang pag-lipat ni DOTr Sec. Vince Dizon sa DPWH kung saan nagkaroon ng pagbabago at isiniwalat ang korapsyon at ibinigay ang mga ebidensya sa fact-finding body na ibinuo ng Pangulo na Independent Committee for Infrastructure (ICI). | #NewsLight


Binanggit niya ang UPLIFT committee na binuo at maging ang pagpapauwi sa mga naapektuhang OFW. | #NewsLight

Iginiit din niya na hindi ito usapin ng pamilya, kundi ng paglilingkod para sa taumbayan. | #NewsLight

Inaasahan na aabot sa isang oras at dalawampung minuto ang magiging SONA ngayong taon.
Tumutok sa News Light para sa updates. | #NewsLight


Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa bandang 3:39 ng hapon para sa kanyang ika-5 State of the Nation Address.
Sinalubong ang Pangulo nina House Speaker Bojie Dy, Senate President Sherwin Gatchalian, at iba pang mambabatas ng Kongreso. | #NewsLight

Ibinahagi ni Senador Joel Villanueva ang mga inaasahan niyang matalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa SONA ngayong araw. | #NewsLight

Umaasa si Senador Joel Villanueva na matatalakay sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangmatagalang programa para sa trabaho, edukasyon, at pagtugon sa gutom.
Ayon kay Villanueva, dapat masagot sa SONA ang mga isyung mahalaga sa mga ordinaryong Pilipino. | #NewsLight

Ibinahagi ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno ang inaasahan niyang marinig mula sa State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr. mamaya.
Ayon kay Diokno, umaasa siyang maglalahad ang Pangulo ng kongkretong hakbang laban sa korapsyon, lalo na sa sistema ng pamahalaan kung saan laganap ito. | #NewsLight

Inaasahang aabot sa halos isang oras at dalawampung minuto ang talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) mamayang alas-4 ng hapon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, handang-handa na ang Pangulo para sa kaniyang ulat sa bayan at inaasahang magbibigay ito ng magandang ulat.
Samantala, dagdag pa ni Castro na mas pinaigting pa ang mga hakbang sa seguridad sa Batasang Pambansa Complex matapos maiulat ang umano’y pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa gusali ng Department of Justice, bilang bahagi ng paghahanda para sa taunang State of the Nation Address ng Pangulo. | Pink Feliciano, #NewsLight

Hindi dadalo sa ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senate Minority Leader Alan Cayetano bilang protesta sa aniya’y pagguho ng demokrasya sa bansa.
Paraan din aniya ng pag-protesta ang pagsusuot ng itim na barong. | Ace Cruz, #NewsLight

Hindi na rin pupunta si Presidential Sister, Sen. Imee Marcos sa SONA ni PBBM mamayang hapon.
Masama aniya ang loob dahil sa ilang kinasuhan at pinakulong na mga miyembro ng minorya.
Nilinaw naman ni Marcos na wala silang usapan sa minorya na huwag dumalo sa SONA o kaya’y magsuot ng kulay itim na damit.
Nataon lang aniya dahil ito ang kulay na dala niya noong kampanya. | Ace Cruz, #NewsLight

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon ng ika-20 kongreso, inilatag ni Senate President Win Gatchalian ang limang pangunahing usapin na tututukan ng Senado sa ilalim ng kanyang liderato.
Una sa listahan ang mataas na presyo ng mga bilihin at kasama rin ang mataas na singil sa kuryente. | #NewsLight

Pormal nang binuksan ang ikalawang regular na sesyon ng ika-20 kongreso sa Senado ngayong umaga.
Pinangunahan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pag-convene ng Senado kung saan inilatag niya ang mga pangunahing isyung tututukan ng Senado. | #NewsLight

Pormal nang binuksan ang 2nd regular session ng 20th Congress sa Batasang Pambansa, ngayong araw Hulyo 27.
Inaasahang muling tatalakayin ng mga mambabatas ang mga legislative priorities at mga nakabinbing panukalang batas na layong maisabatas sa mga susunod na buwan. | Pink Feliciano, #NewsLight

Iyan ang pahayag ni Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando, matapos tanungin kung ano ang mensahe ng mga manggagawa sa Pangulo. | Pink Feliciano, #NewsLight

Ito ang pahayag ni Kabataan party-list Rep. Renee Co matapos niyang bigyan ng “5 failing grade” ang administrasyong Marcos Jr. sa ikaapat na taon nito sa panunungkulan.
Ayon kay Co, apat na State of the Nation Address na ang naibigay ng Pangulo, ngunit hindi pa rin umano nararamdaman ng maraming Pilipino ang matagal nang ipinangakong ginhawa.
Iginiit din niya na patuloy pa rin ang paghihirap ng mga mamamayan, habang wala pa ring napapanagot o nakukulong sa mga malalaking kaso ng katiwalian.
Umaasa naman si Co na sa mga susunod na hakbang ng administrasyon ay maramdaman na ng mga Pilipino ang mga pagbabagong matagal nang ipinangako. | Pink Feliciano, #NewsLight

Nagkasa ng kilos-protesta o State of the Region Address ang Bagong Alyansang Makabayan Timog Katagalugan sa Philcoa, Commonwealth sa Quezon City ngayong umaga, ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. | #NewsLight

ADVERTISEMENT
We use cookies to personalize content and ads, provide social media features, and analyze our traffic. By clicking “Accept”, you consent to our use of cookies. Learn more.
