Castro kay Sen. Marcos: huwag maging spokesperson ng mga Duterte

📅 October 9, 2025 11:16 AM PHT

Iginiit ngayon ni Palace press officer Usec. Claire Castro kay Sen. Imee Marcos na huwag maging spokesperson ng mga Duterte.

Ito’y matapos kondenahin ni Marcos ang pagkakatalaga kay Justice chief Jesus Crispin Remulla bilang Ombudsman.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Castro wala dapat ipangamba ang mambabatas dahil kung wala umanong kasalanan ang mga duterte hindi dapat matakot sa bagong talagang Ombudsman.

Magugunitang sinabi kasi ni Imee na itinalaga umano ni PBBM si Remulla para tuluyang maikulong at mapigilan ang pagtakbo ni VP Sara Duterte sa 2028 elections