Castro, bumwelta sa duda ni VP Sara sa imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects

📅

Sinagot ni Palace press officer Usec. Claire Castro ang banat ni VP Sara Duterte sa imbestigasyon ng administrasyon sa mga anomalya sa flood control projects sa bansa.

Duda ang bise sa pagiging seryoso ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa imbestigasyon dahil madali naman aniyang ituro ang responsable sa korupsyon sa pondo.

Buwelta ni Castro, walang imbestigasyon na natatapos sa loob ng isang araw.

Hindi aniya padalos-dalos ang administrasyong Marcos sa proseso.