Campaign Culmination at Prayer for the Elections, isinagawa ng CIBAC Party-list sa Bulacan

📅
Sen. Joel Villanueva at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva sa CIBAC Party-list Campaign Culmination, Bunlo, Bulacan, May 10, 2025. Screengrab from CIBAC Party-list/Facebook

Sa huling araw ng kampanya bago ang nalalapit na halalan ngayong Lunes, nagsagawa ng Campaign Culmination activity ang Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list sa lalawigan ng Bulacan.

Layunin nitong himukin muli ang suporta ng taumbayan para sa maka-Diyos at makabayang pamumuno ng kanilang kinatawan sa Kongreso.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni CIBAC Party President at Senador Joel Villanueva na ang pagtakbo ng kanilang partylist ay hindi lamang bunga ng pagmamahal sa Diyos, kundi pati na rin sa bayan.

“𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐥𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐈𝐁𝐀𝐂 𝐚𝐲 𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚-𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭𝐞𝐨𝐮𝐬 𝐠𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞. 𝐒𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐢𝐥𝐥 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐩𝐨 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐝𝐨, 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐝𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐨𝐤𝐞-𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐞𝐝 𝐛𝐢𝐥𝐥𝐬. 𝐀𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐭𝐮𝐥𝐨..”

ADVERTISEMENT

Binigyang babala rin ni Villanueva ang mga botante hinggil sa pag-usbong ng mga panukalang batas na aniya’y taliwas sa mga pagpapahalagang Kristiyano.

“𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐲𝐥𝐢𝐬𝐭 𝐬𝐚 𝐊𝐨𝐧𝐠𝐫𝐞𝐬𝐨. 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐚𝐲𝐮𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐨𝐛𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨. 𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨, 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐜𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐦𝐩𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐢𝐦𝐛𝐢𝐭𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐚𝐭𝐚𝐧𝐢𝐜 𝐛𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨.” ayon kay Villanueva.

Bilang pasasalamat, pinarangalan ng CIBAC ang lahat ng kanilang supporters at volunteers sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa ibang bansa, na buong pusong nag-alay ng kanilang oras, talento, at kakayahan upang maisulong ang adhikain ng partylist.

Nagpaabot din ng kanilang pasasalamat sina CIBAC Party-list No. 2 Nominee Cong. Domeng Rivera, Nominee Atty. Cathy Valencia, Pastor Adi Asi, at Bishop Leo Alconga.

ADVERTISEMENT

Samantala, pinangunahan ni CIBAC Representative Bishop Bro. Eddie Villanueva ang isang panalangin para sa maayos, mapayapa, at makatarungang halalan na maghahalal ng mga lider na tunay na may malasakit sa bayan at may takot sa Diyos.

Ang CIBAC Party-list ang itinuturing na pinakamatagal nang nagsisilbing partylist sa Kamara. Sa kasalukuyan, higit 220 batas na ang naipasa ng CIBAC Party-List na naglalayong tapusin ang korapsyon at pabilisin ang serbisyo publiko.

Kabilang sa mga landmark legislations na isinusulong ng CIBAC ang Anti-Money Laundering Law, Government Procurement Reform Laws, Anti-Red Tape Act, at Ease of Doing Business Act—mga batas na direktang tumutugon sa ugat ng katiwalian at kahirapan sa bansa.

ADVERTISEMENT

Tiwala ang CIBAC na sa tuloy-tuloy na suporta ng sambayanan, maipagpapatuloy nila ang adhikaing itaguyod ang pamumunong maka-Diyos, makatao, at makabayan sa loob ng Kongreso.