Camalaniugan Bridge sa Cagayan, bukas na sa publiko | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Simula kahapon ay nagamit na ng publiko ang Camalaniugan Bridge sa munisipalidad ng Alcala sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ang tulay na nagdurugtong sa mga lugar ng Aparri at Camalaniugan.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tulay na may habang 2.16 kilometro ay natapos sa tamang oras at may angkop na pondo.

Pinabibilis nito ang biyahe mula Aparri patungong munisipalidad ng Ballesteros.

ADVERTISEMENT

Kung dati ay isang oras ang biyahe roon, ngayon ay 20 minuto na lamang umano.

Aabot sa 6,000 biyahero ang makikinabang sa paggamit ng tulay araw-araw.

Kaya inaasahan ni Marcos Jr. na makatutulong ang bagong tulay upang umunlad ang ekonomiya sa mga lugar ng Aparri at Camalaniugan.

ADVERTISEMENT

Bagong oportunidad aniya sa trabaho at negosyo ang dulot ng itinayong imprastraktura, at tiyak niyang mararamdaman agad ng mga residente sa lugar ang epekto nito sa ekonomiya.

Samantala, ininspeksiyon din ni Marcos Jr. ang Pigatan Bridge sa lalawigan ng Cagayan.

Ito naman ang tulay na bumagsak noong Oktubre 2025.

ADVERTISEMENT

Apatnapu’t limang taon nang ginagamit ang tulay bago ito bumagsak nang daanan ng tatlong loaded truck.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo agad ng bagong tulay na may maayos na disenyo at ligtas na konstruksyon.