Call center agent, nabiktima ng modus sa “dating application”; 1 sa 5 suspek, arestado

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy: Rizal PPO

Naaresto ng pulisya ang isang 18-anyos na lalaki matapos masangkot sa pananakit at pagnanakaw sa isang call center agent sa Cainta, Rizal.

Ayon sa ulat, pumunta ang biktima sa isang bakanteng lote matapos makipagkita sa suspek na si alyas “Cj”, gamit ang isang dating application.

Sa halip na normal na meet-up, sinalubong agad ito ng limang kalalakihang armado ng patalim at baseball bat.

Dito na hinoldap, sinaktan, at tinangayan ng cellphone at pera ang biktima.

Agad naman itong humingi ng tulong sa pulisya na mabilis naglatag ng follow-up operation at nahuli ang isang suspek.

ADVERTISEMENT

Tinutugis ngayon ng kapulisan ang iba pang salarin.