
Itataas sa RED ALERT ang antas ng kahandaan ng Calabarzon Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), epektibo bukas, Sabado, Nobyembre 8, 2025, dahil sa banta ng Tropical Storm “Fung-Wong”, na tatawaging “Uwan” pagdating sa Pilipinas.
Ayon sa RDRRMC, ito ay upang matiyak ang maagap na pagtugon at koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa CALABARZON sa posibleng epekto ng bagyo.
ADVERTISEMENT
Patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, at maghanda para sa posibleng paglikas kung kinakailangan.




