Calabarzon, nangunguna sa Palarong Pambansa 2025

๐Ÿ“… May 27, 2025 01:00 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 27, 2025 01:00 PM PHT
๐Ÿ‘ค Dawn Pamulaya  |  ๐Ÿ“‚ Sportslight, Latest News, News Light

Kasalukuyang nangungunang humakot ng mga medalya ang Region 4-A CALABARZON sa Palarong Pambansa 2025.

Sa partial and unofficial overall tally, mayroon nang total na 26 medals ang CALABARZON, habang sinundan naman ito ng NCR na may 24 medals, at Western Visayas na may 14 medals.

Mahigit 1,700 medalya ang nakataya sa 2025 Palarong Pambansa kung saan maglalaban-laban ang pinakamahuhusay na elementary at high school student-athletes mula sa iba’t ibang rehiyon.

Target naman ng NCR na makuha ang ika-18 sunod na overall title matapos manguna noong nakaraang taon sa Cebu City na may 98 gold, 66 silver, at 74 bronze medals.

Inaasahang muling magpapakitang-gilas ang CALABARZON at Western Visayas, na pumangalawa at pumangatlo noong nakaraang taon.